Friday, August 20, 2010

Kung mabuti ba ito sa isang pamilya

      Ang pamilya ang pinakamaliit nay unit na ating ginagalawan. Isa  itong makabuluhan at paghubog sa kaisipan ng bawat indibidwal. Mula ng tayo’y isinilang, lahat tayo ay inilaan upang bumuo ng isang pamilyang susukat sa hangganan ng pagkakaisa. Lubos na kailangan ng isang buong pamilya tungo sa pagbuo ng kaganapang panlipunan. Sa loob ng tahanan, sa apat  na sulok ng kwartong iyon unang minulat at hinubog ang kakayahan, karanasan at kaganapang pang-indibidwal ng bawat isa kasapi nito.



     Ang pamilyang ang maituturing  mong kasama sa pagtupad ng iyong pangarap. Sa bawat pagsubok sa buhay, ang pamilya ang isa sa mga laman ng bawat bahagi nito. Ang pamilya ay ay parang isang sasakyang panghimpapawid na lilipad kung saan naising pumaroon ngunit lagging isa-isip kahit saan ka man pumaroon ang pamilya ang lagging kasama kaya hindi masasayang ang mga oras at panahon. May mga pagkakataon na dumadating sa isang pamilya,  ang hindi pagkakaunawaan ngunit  hindi ito pinatatagal ng mahabang panahon bagkus piloting isaayos ang bawat problema.

       Maraming salik ang maaring maging bunga dahilan sa pagkakaroon ng hindi perpektong  pamilya. Isa na rito ang epekto sa pag-aaral ng mga anak, Marahil, dahil isa itong hadlang upang hindi makapagfocus sa mga aralin. Maaaring ito rin ay pakadaragdag pa sa mga iniisip o iniintindi ng mga bata.
Ito rin ay nakakaepekto sa emosyonal  na aspekto ng bawat kasapi ng pamilya Maaring magbago-bago ang emosyon ng bawat tao dahil sa isang broken family, mahirap dalhin at ipasok sa isip na bahagi ka ng pamilyang ito. Nagiging moody ang tao dahil nadadala sila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.
Nahihiyang makisalamuha, isang salik na makikita sa isang taong bahagi ng broken family. Maari nating sabihin na nasa antas sila ng pagkakaroon ng hiya dahil sa kung anong pamilya mayroon sila at maaring pumasok dito ang pagkainggit nila sa mga kapwa nila bata na mayroong kumpleto at masayang pamilya kaya ang ilan ay mas piniling wag na lamang makisalamuha sa mga ito.

     Ang kawalan ng kalinga at gabay mula sa magalang ay nagnanais ng sapat at lubos na kalinga mula sa magulang ngunit anong kakulangan kung isa sa iyong magulang ay wala sa tabi mo. Hindi mabubuo ang pagkatao ng isang kasapi ng pamilya kung walang sapat at makabuluhang  kalinga at gabay ng magulang.
Masasabi nating hindi makabubuti sa bawat isa at sa lipunang ating ginagalawan ang broken family. Sapagkat ang pamilya ang daan sa pagiging balanse ng bawat bagay dito sa lipunan.
Ang pamilya ay sumasalamin sa tamang gawi at pagtupad ng mga pangarap hindi lamang sa pag-unlad ng sarili bagkus para sa lipunan din. 

Wednesday, August 18, 2010

Paano ito dapat na solusyunan


            Isa pinaka mahirap sitwasyon ngayon sa isang pamilya ay ang "BROKEN FAMILY" , na mahirap na solusyunan, siguro maaari itong gawan ng paraan ng isang pamilya nang sama-sama at mag karoon ng isang masusing pag uusap upang linawin ang mga bagay-bagay na dapat ayusin dahil, kung marami at nag tutulungan sila baka may magandang kalabasan ito.


            Kung ako ang tatnungin siguro kailangang magusap ng madre at padre de pamilya ng maayos upang ang kanilang mga anak ay hindi masyadong maapektuahan sa mangyayari dahil, ito ay mahirap pag desisyunan.

Epekto nito sa isang Anak

            Broken Family? Ang pinaka mapangit na katagang narinig ko sa tala ng aking makulay ngunit malungkot, nang dahil dito. Maaraming nga bata ang takot dito, lalo na kung ang mga magulang nila ay hindi magkasundo sa araw-araw, kasi sa tingin nila heto rin ang pupuntahan ng pamilya nila kapag ito'y nagpatuloy-tuloy. Ngunit ano ba ang madalas na kaputahan o epekto nito sa isang bata na duamadanas ng ganitong pagsubok sa buhay? 

            Kung ako ang tatanungin marami ang nagbago sa buhay ko ng dumating sa buhay ko ang ganitong pagsubok, mahirap, masakit, at kung minsan nga gusto ko nang ikahiya ang pamilya ko dahil talaga namang  nakakahiya hindi ba?



            Mahirap, dahil sa isang katulad kong bata pa, naghahanap ako ng kalinga ng mga magulang, dahil sa ngayon ako ay nasa pangangalaga ng aking mahal na lola. Masakit, dahil tuwing naririnig kong nag-uusap ang aking mga kaibiagan at kaklase at ito'y tungkol sa kanilang magulang, masakit ispin hindi ba? Pag-uusapan naling, Halimbawa : "ang nanay at tatay ko ay nagkukulitan" kung minsan  naman naririnig ko "nagagalit ang nanay ko sa akin dahil dito". Mabuti pa sila may naglalambing a may nagagalit na magulang samantalang ako wala! Masakit hindi ba?

Epekto nito sa isang pamilya

            Mahirap pag desisyonan ang pag-aasawa, lalo na kung ang nag didissisyon sa puso mo ay hidi ang sarili mo dahil madalas sa panahong ngayon ang mga magulang na ang nag dedesisyon sa pag ibig ng kanilang mga anak, kaya kung minsan ang mag asawa ay nag hihiwalay na tinatawag nilang "BROKEN FAMILY" sa Ingles, mahirap ito sa isang pamilya na nahaharap dito. Maraming Epekto't pagbabago ang mangyayari sa buhay mo kung sakaling mangyari ito sa iyo.


              May nga oras na ang isang pamilya ay masaya walang problema, malayo sa gulo ngunit kapag nag karoon ng ganitong sitwasyon ang pamilya mahirap nang ayusin pa ito.Halimbawa : mag babago ang kanilang mundo na dating masaya at maligaya, ito ay mapupuno ng lungkot, hinagpis, at kung minsan pwedeng mauwi sa matinding galit. 

Mga Dahilan ng pakakawatak-watak ng isang pamilya

            Broken Family? Ito ay mailalarawan sa isang sirang pamilya na kung saan hindi nagiging matatag ang pagsasama ng bawat miyembro nito kung kaya't nagiging mapurok ang pundason na sabay na nagbubuklod ngunit, anu anga ba ang mga dahilan ng mga ganitong insidente? Isa sa mga halimbawa nito ay "LACK OF COMMUNICATION" kung saan ang isang miyembro ay nawawalan ng oras sa kaniyang mga mahal sa buhay na nagiging sanhi ng pagkasira nito. Isa pa ay ang pag kawaalang tiwala sa iyong pamilya 


            Minsang nagdududa na nag dudulot ng gulo, away sa iyong pamilya kaya't hindi anag tatagal ay nag hihiwalay-hiwalay na sila. Isa pa ay ang pag sasawalang bahala sa mga mahal mo sa buhay. Isang beses na pinakita mo sa kanya na di-mo na siya mahal. Dito na nag sisimulang man alamig at mag rebelde ang bawat miyembro at kalalaunan ay nasasanay nang mag-isa at hindi humihingi ng tulong sa isa't isa. 



            Ito ay ilan lang sa mga halimbawa at dahilan kung bakit nasisira ang isang pamilya kaya dapat lagi mong ipakita sa taong mahalaga sa atin na mahal natin sila, na may paki-alam sa kanya ng sa ganun hindi masira ang inyong relasyon sa isa't isa at manatiling matibay ang inyong samahan sa pagkat hindi ka nagiging masaya at hindi ka magtatagumpay sa buhay kapag wala kang pamilyang handang umunawa at tumulong upang maabot mo ang mga gusto mong marating sa buhay, "just like what the poem's tell us that no man is an island".