Wednesday, August 18, 2010

Epekto nito sa isang Anak

            Broken Family? Ang pinaka mapangit na katagang narinig ko sa tala ng aking makulay ngunit malungkot, nang dahil dito. Maaraming nga bata ang takot dito, lalo na kung ang mga magulang nila ay hindi magkasundo sa araw-araw, kasi sa tingin nila heto rin ang pupuntahan ng pamilya nila kapag ito'y nagpatuloy-tuloy. Ngunit ano ba ang madalas na kaputahan o epekto nito sa isang bata na duamadanas ng ganitong pagsubok sa buhay? 

            Kung ako ang tatanungin marami ang nagbago sa buhay ko ng dumating sa buhay ko ang ganitong pagsubok, mahirap, masakit, at kung minsan nga gusto ko nang ikahiya ang pamilya ko dahil talaga namang  nakakahiya hindi ba?



            Mahirap, dahil sa isang katulad kong bata pa, naghahanap ako ng kalinga ng mga magulang, dahil sa ngayon ako ay nasa pangangalaga ng aking mahal na lola. Masakit, dahil tuwing naririnig kong nag-uusap ang aking mga kaibiagan at kaklase at ito'y tungkol sa kanilang magulang, masakit ispin hindi ba? Pag-uusapan naling, Halimbawa : "ang nanay at tatay ko ay nagkukulitan" kung minsan  naman naririnig ko "nagagalit ang nanay ko sa akin dahil dito". Mabuti pa sila may naglalambing a may nagagalit na magulang samantalang ako wala! Masakit hindi ba?

2 comments:

  1. kaputahan nga? annu yun? haha paki edit ng mabuti chalamat ^^ kasi may ibang mga salita na iba ang ibig sabihin pag binasa mo ito. no hard feelings :)

    ReplyDelete