Ang pamilyang ang maituturing mong kasama sa pagtupad ng iyong pangarap. Sa bawat pagsubok sa buhay, ang pamilya ang isa sa mga laman ng bawat bahagi nito. Ang pamilya ay ay parang isang sasakyang panghimpapawid na lilipad kung saan naising pumaroon ngunit lagging isa-isip kahit saan ka man pumaroon ang pamilya ang lagging kasama kaya hindi masasayang ang mga oras at panahon. May mga pagkakataon na dumadating sa isang pamilya, ang hindi pagkakaunawaan ngunit hindi ito pinatatagal ng mahabang panahon bagkus piloting isaayos ang bawat problema.
Maraming salik ang maaring maging bunga dahilan sa pagkakaroon ng hindi perpektong pamilya. Isa na rito ang epekto sa pag-aaral ng mga anak, Marahil, dahil isa itong hadlang upang hindi makapagfocus sa mga aralin. Maaaring ito rin ay pakadaragdag pa sa mga iniisip o iniintindi ng mga bata.
Ito rin ay nakakaepekto sa emosyonal na aspekto ng bawat kasapi ng pamilya Maaring magbago-bago ang emosyon ng bawat tao dahil sa isang broken family, mahirap dalhin at ipasok sa isip na bahagi ka ng pamilyang ito. Nagiging moody ang tao dahil nadadala sila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya.
Nahihiyang makisalamuha, isang salik na makikita sa isang taong bahagi ng broken family. Maari nating sabihin na nasa antas sila ng pagkakaroon ng hiya dahil sa kung anong pamilya mayroon sila at maaring pumasok dito ang pagkainggit nila sa mga kapwa nila bata na mayroong kumpleto at masayang pamilya kaya ang ilan ay mas piniling wag na lamang makisalamuha sa mga ito.
Ang kawalan ng kalinga at gabay mula sa magalang ay nagnanais ng sapat at lubos na kalinga mula sa magulang ngunit anong kakulangan kung isa sa iyong magulang ay wala sa tabi mo. Hindi mabubuo ang pagkatao ng isang kasapi ng pamilya kung walang sapat at makabuluhang kalinga at gabay ng magulang.
Masasabi nating hindi makabubuti sa bawat isa at sa lipunang ating ginagalawan ang broken family. Sapagkat ang pamilya ang daan sa pagiging balanse ng bawat bagay dito sa lipunan.
Ang pamilya ay sumasalamin sa tamang gawi at pagtupad ng mga pangarap hindi lamang sa pag-unlad ng sarili bagkus para sa lipunan din.
Thanks for this po! ☺️
ReplyDelete